Add parallel Print Page Options

Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya:

Sumaiyo ang kagandahang-loob, habag, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Mga Babala Laban sa Maling Doktrina

Gaya ng tagubilin ko sa iyo noong ako'y papunta ng Macedonia, ibig kong manatili ka sa Efeso upang pagsabihan mo ang ilang tao na huwag magturo ng maling aral, at huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at mahahabang talaan ng mga angkan. Nagiging dahilan lamang ang mga iyan ng mga pagtatalo at hindi nakatutulong kaninuman na magawa ang plano ng Diyos, na magagawa lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.

Read full chapter